Martes, Nobyembre 29, 2011

Kim

nag picture-picture-an kami ng church group ko sa isang outreach program lately, and excited ako sa pictures. i felt really good that day! ang gaan gaan ng feeling ko having lost 16 pounds so far :) halos malaglag na pantalon ko.... hindi sa luwag......naglagay kasi ako ng mansanas sa bulsa. hindi ako nagdala ng bag kaya nagbulsa ako pati ng cellphone, twalya, pera, skyflakes, martilyo, lababo, lagare...kahit anong hitit kong mag stomach in ayaw parin malaglag pantalon ko e. kainis.

ang saya nung outreach namin. naalala ko nanaman kung gano ako ka blessed. at ang isa pang masaya, nung nag kainan na sa chowking, dalawang beef siomai na walang balat atchaka isang order ng kangkong na walang bagoong lang ang kinain ko yehey! at ang mga kaharap ko e mga growing boys and girls na kung lumafang e..... tapos ampapayat......kainis.

eto na. naglabasan ang pictures! nakangiti akong nag download pero mabilis itong napalitan ng pagka-nganga...... ang jubis ko!!!!!! ang tatlong palapag kong bilbil e parang icon ng gulong na sosyal. ang fez ko a parang hopiang inapakan. ang mga braso ko e parang hita. kainis.

sobrang na depress ako, halos ayoko na kumain. kulang pa ba? dapat ba todo nako sa exercise kahit medyo mahilu-hilo ako? dapat ba nilagang papel nalang forever ang lafangin ko? syempre, biktima nanaman ng ungot ko si Hub.

"dahan-dahan lang talaga ang weight loss" sabi ni Hub, pero inisnab ko sya kasi gusto kong sagutin na "palibhasa ikaw kitang-kita na weight loss mo". "nag lose ka na nga ng 16 pounds atchaka ayan o (hugged me) numipis ka na". to which i replied in a high voice "talaga?" (high voice kasi ang higpit ng yakap nya hah hah hah hangin).

onga naman.

nag weigh kasi ako sa mercury drug, yung hinuhulugan ng limampiso. kinabahan ako nung una kasi nagsasalita ang weighing scale - at anlakas ng boses! baka maiskandalo ang mga makakarinig ng "YOU WEIGH TCHOO HAAAAANNNDRED PIFTY TAWSAN PAUUUUUUNDS" at mapatingin sakin! o di kaya e mag ala pugad baboy weighing scale at pagtuntong ko e sabihing "one at a time pleyezzzzzz". tense! buti nalang, print out lang ang ebidensya ng weight reading at kung anu ano pa hehe.

dun ko na-realize na pumayat nga talaga ako. di ako masyadong nakumbinse ng mga lumuluwang kong underwear, t-shirt na nasusuot ko na uli, at pants at shorts na lumuwang. skeptic parin ako until i weighed. lagi kong rason kasi e "ah, lumuluwang siguro kasi malamig ang panahon" o di kaya "lumuluwang siguro kasi makukulong si gloria".

kaya kahit may moments akong naiinip pumayat nang super obvious na at talagang sexy nako sa pictures, inalala ko nalang ang mga supporters ko na gaya ni Hub, and my friends and family. realistic na din ako sa goal ko. kung kim delos santos ka, wag na mag ambisyong maging kim chiu. kimmy/dora pwede na.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento