Miyerkules, Marso 7, 2012

Pinoy-isms


just one week after our previous marathon, join kami sa Run United 1 sa MOA. takipsilim palang e nagbibihis na kami as usual, at bago mag bukang-liwayway e nasa parking lot na kami. stretch... stretch.... hikab.... stretch... we were up and ready. as usual uli, we parked nearly a kilometer away from the start and finish area, sort of a mini-training sakaling mag ambisyon kami ng farther marathon distances.

knee pads, check. water bottles, check. bananas, check. ulirat,.......ehem... ULIRAT,........ha? whoa? oh! gising! gising!, check :)

pinoy na pinoy ang buong experience. una, ke daming parking spaces e nag aagawan sa pinakamalapit sa exit. anuba maglalakad nga tayo ng kilu kilometro e natakot naman tayo maglakad ng ilang hakbang papunta sa kochi car pauwi. yung iba nga senyo kayang lakarin pauwi e hahaha.

pangalawa, likas sating mga pinoy ang hindi nakikinig o nagbabasa ng mga briefing.  hala ke lalaki ng lalagyan ng tubig! babagal takbo mo nyan meyng. sana nagkabit ka nalang ng limang galon sa trolley sabay mahabang straw. at least hinihila mo lang. tapos, pagdating mo sa bawat water station, mag taas-noo ka at isnabin mo sila "hah! mas marami akong tubig at MAS mainit ito! hah hah hah" sabay hingal.

pangatlo. pag naji jingle ang mga kalalakihang Pinoy, kelangan nilang jumingle - NOW NA. kaya yung mga nakita ko sa parking lot na nakadikit sa mga kotse nila sabay nakangiti, at hindi naman nagpapahangin dahil nakatago ang kili kile gawa ng mga kamay na nakababa, naka-imbento sila ng pinsan ng Portalet - ang Banyotan as in banyo kung san abutan.

pang-apat. kahit gano karami o kalaki ang mga trash can, kahit kinulayan pa ang mga ito ng bright pink at lagyan pa ng mga palamuti o kumikislap kislap na ilaw, iniisnab ng iba sa ating mga Pinoy ito na parang mga ex boypren. andaming kalat sa kalye na dulot ng fireworks display the night before. ayan tuloy. pati yung mga tagalinis, isnabero't isnabera nadin. hinihintay nalang siguro nilang hipan ang mga ito ng hangin papunta sa mga kabarkada ng mga basura na nakatira sa Bay.

panlima. marami sating mga pinoy e either hindi mahilig magtanong, o nagmamarunong pag natanungan. abay pakalat kalat at lilinga linga sa unang nakitang starting area kahit hindi kakulay ng bib nya yung mga naka assemble doon. at nung finally nagtanong ako (ay! nadulas, ako pala yung ayaw magtanong hahaha) sa babaeng pareho kong magfa 5k na papunta sa starting area "miss, san ang starting area ng 5k?" "dito din!" edi nakinig naman ako at tumambay sa starting area na una kong pinuntahan. maya maya, nag announce yung mama sa entablado na "5k-ers, if you can hear me, you're still lost".... antiPATIKO! sabay takbo pahanap ng tama kong starting area. anak nang di bale nakong shonga, mas dedli yung kombinasyon nung pinagtanungan ko- shonga con pa-kia (pa-know-it-all). anubanaman ang problema sa pagsabi ng "hindi ko alam e". takot talaga tayong mapagkamalang walang alam, pero anlakas ng loob nating ipahamak ang iba, kalowka hahaa.

pang-anim. nakakalungkot, pero may ilan sa ating mga Pinoy ang nababawasan ang galang sa Lupang Hinirang. nang tumugtog ang national anthem mangilan-ngilan lang samin ang naglagay ng kamay sa dibdib (sa sarili naming dibdib syempre) at sumabay sa kanta. hinahagod ng camera ang mga tao habang may visual ng watawat kaya ko nakita to. meron namang nakalagay ang kamay sa dibdib, pero nung makita ang sarili sa screen, biglang tinanggal ang kamay sa dibdib at kumaway sa camera. ang ganda. "sa dagat at bundok sa simoy at sa hello hello! mong bughaw...."  hmp!

pampito at me relasyon sa pang anim, mahilig talaga tayong mga Pinoy sa camera. at gunshot, andaming mga still and video cameras! takbo-ngiti, takbo pa-serious, takbo pa-cute, takbo pa-kaya-ko-to (ako yun) - pero wag ka paglampas sa mga camera, either takbo-simangot or lakad na ang nangyari hahahaha. may mga camera din sa iba't ibang portions ng run and, you guessed it, naglabasan nanaman ang mga takbo varieties na ito.

pang-walo na me relasyon sa pang-apat. may trash bins naman sa mga water station, kung baket nagkalat ang mga plastic cups sa kalye. ang lutong tuloy ng takbo mo after the stations. nadagdagan tuloy ang variety ng takbo na nabanggit sa pampito - takbo lagok-laglag.

pang-siyam. nakakalungkot uli, pero marami satin ang nakakalimot magpasalamat. porke nagbayad tayo sa marathon at ke-gaganda at ke-mamahal ng mga outfit at gear natin, at porke trabaho ng mga nagbibigay ng tubig at powerdrink ang ginagawa nila, wala akong napansin na nagpasalamat sa kanila after drinking. nagtaka tuloy yung ale nung nag thank you ako sa kanya pagtapos kong inumin ang talaga namang napaka refreshing na cold drink!

pang-sampu. sa bawat Pinoy gathering, hindi nawawala ang mga karakter. eto'ng mga naka enkwentro ko:

             si Busina
             may built-in na busina sa baga tong mamang ito, at bumubuga ng malalakas na HOO! HOO!
             twing lalampasan nya ang nasa harapan nya. e baka nga naman nagre release lang ng hingal. e chong
             nakaka sampung hakbang palang kami e...

             si Dedma
             walang pake ang ale na kumekembot kembot habang naglalakad sa gitna ng kalye. ang importante,
             hindi magusot ang buhok nya at hindi mapudpod ang neon green nyang walking shoes. miss, eh...
             hehe... TABI JAN! hahahah

             sina Luneta
             ay holding hands sila habang naglalakad. maya-maya, titigil para mag smack. minsan nagkukurutan.
             minsan nagbubulungan sabay hagikhik. minsan tatakbo paatras si lalake para makita ang tumatakbo
             nyang babae. kulang nalang mag cha cha ang dalawang ito. naghanap ako ng kamera chong..... i
             could have sworn may shooting ng videoke na nangyayare. ang kanta? hmmmm..... Bawal na Gamot.
             parang tumira ng adik ang dalawang ito. pinagkamalang lugar ng taswingan ang kalye.

             si Chicken
             hinde, hindi sya naduwag o nagtititilaok - nakabalot sya ng silver foil chong. parang tumatakas sya sa
             naghahabol na oven. naghanap ako ng tumatakbong sibuyas, bawang at patatas, wala naman.

panlabing isa at last but not the least - pag may libre, kahit mahaba ang pila, go tayong mga Pinoy! hahahaha medyo wa-is ako tho at napaso nako sa mga pila na matagal e yun pala lekat na leaflet lang ang ibibigay hehe. inispatan ko muna ang mga umpisa ng pila at inobserbahan ko kung ano ang nangyayari. pumila ako dun sa may libreng inumin o magasin, yung walang kelangang gawing nakakaloka. may isang booth dun na patatawirin ka sa manipis na mala lubid, at sa dulo e may magandang green tumbler. pero waaaaaa hindi naman ibibigay ang tumbler pag nakatawid ka. nyoko nga. dito nalang ako sa century tuna, me libreng biskwet :)

i finished 3 minutes earlier than my last finishing time yeheyy!! very festive ang okasyon! andaming booths, may mga nagde demo pa ng cheerdancing!

okey na okey na sana ang experience kaya lang natigil ang lahat nang....... may nag propose sa gitna ng entablado! AAAAAAAAAAAAANO BAAAAAAAA ipagkalandakan ba sa mga taong di mo kilala na nanlilimahid sa pawis at hingal ang pagyaya mong magpakasal?!!! di ka ba natakot na malaglag ang singsing habang tumatakbo? magyayakapan kayo e pareho kayong amoy araw?!! lahat ng buhok ko tumaas sa kilabot chong, ambilis ng lakad ko papunta sa kotse pauwi hahhaha

looking forward to the next! to the next marathon hindi spectacle of public marriage proposals ha!

proud to be Pinoy!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento