Martes, Hulyo 5, 2011

Dalawang Dekada Paatras

Pag sa gitna ng iyong pagsha shopping e parang biglang gusto mong bumili ng gel at maghanap ng pantalon na baston, o di kaya e mag warmers at magsuot ng headband sa noo...... tapos maya maya may naririnig kang Axel F.... wag kang mag-alala, di ka nabu buang. Papalapit ka lang nang papalapit sa House of Minis sa Shoppesville, Greenhills!

Of the other House of Minis outlets, this one takes you back to the 80s all the way. Kulang nalang katabi mong kumakain si Michael J. Fox. Feeling ko high school ako na may pera - sarap!

Pagpasok namin sa resto, ang diliiiiiim. Reminds me of Tia Maria in Makati Avenue during my decade of Zombie and cheese dips, na bawal umuwi nang hindi laseng o nag iwan ng alaala sa cr. Tamang-tama ang dilim noon kasi estudyante pa ako't hindi maka bihis ng "civilian" bago makipag inuman sa publiko. Pero andalas namin doon  (wowww let's go to Tia paaaaaare [at puro babae kami ha] there's a new drink Chi Chi)... sabay sakay ng jeep ngyahahaha ingles nang ingles wala naman palang kotse pwe! hahahahaha.

Pero teka, hindi naman kailangang patago ang pagpunta sa steakhouse na ito, bakit andilim? Pagpasok namin parang nakakatakot pumunta ng cr kasi baka pagbukas mo ng pinto may sumalubong sa yong kabayo....

Ahh..,, kaya pala. E pano mangingibabaw ang Christmas lights kung maliwanag? At pake natin kung gusto nilang pasko buong taon? Yung 1980s nga nadala nila sa 2011 e. At baket, munisipyo lang ba ng Mandaluyong ang pwedeng mag Christmas decor year round?

Habang kumakanta ang The Rah Band ng Sorry Doesn't Make It Anymore e binabasa ko na ang menu (na syempre di ko mabasa kasi.....hulaan moooooo). Tinawag ko na ang waiter. In fairness pati waiter 80s na 80s ha - dalawang dekada nalang 80s na sya. Pero wag mo isnabin, kitang-kita parin nya kung saan ilalagay ang gravy kahit na madilim.

Napansin nyo ba yung chaleko (bawal ang vest at hindi 80s yun) at yung kurtina? O..... sa kulay lang nagkaiba diba. Kayanin mo din yung alternate green and red table cloths - matching sa Christmas lights.

Nangingilo na ang ngipin ko sa synthesizer at claps ni Harold Faltermeyer nang ilabas na ang steak namin. Nauna kasi ang pagkasarap sarap na mainit na tinapay at sopas na.... na.... na parang nilagang papel na may konting gatas (ng kabayo?!!!). Buti nalang bottomless ang Knorr seasoning at paminta.

May salad din pala ang steak meal. Simple green salad lang na me hundred island dressing (thousand island ka jan e ketchup at mayonnaise yung nakapatong sa gulay).
Nung nakita na ni manong este ingkong na ubos na ang tinapay sopas at salad namin (reklamo nang reklamo uubusin naman pala), sinenyasan na nya ang cook na lutuin na ang aming tenderloin and porterhouse steaks. Ako, simple lang ang requirement ko sa steak - malambot at hindi bulok. My tenderloin was delicious! Really tender and tasty, and the gravy was complementary. Ingkong is nice to remind you to cover your face with the napkin as he pours the gravy for a sizzling plate.My hubby's porterhouse was also good - judging from the fact that again, I did not come around to trying it hehehe. The corn and potato sidings were perfect! May sayote pa! :)




We ordered more bread to mop up the gravy :)


The meal comes with free dessert. And just when I thought they'd take the easy route and bring a 21st century dessert...... out came

......mocha ice cream! Hindi namin malaman kung anong brand ito, my hubby was an ice cream flavor creator and tester at one of the most popular brands, but he's stumped! Sabi ko, ahhhh.... baka Presto ito hahahaha 80s parin! Ang sarap! Medyo katabi nga lang ata ng grill ang kinalalagyan dahil medyo mocha shake na hehe.

It was an awesome experience! How many times do I get to literally step back in time and stay there for hours? How many times do I get to reminisce my younger days of afternoon discos and singing whitney houston with huge karaoke machines with kweba-tic reverb while seemingly actually being there? How many times do I confirm that I was once young? :)

Hayyyy (with a huge smile and a burp)......!!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento