Biyernes, Hulyo 22, 2011

Mga Masasayang Pagkahilo

I was very pleased to have had the chance to see Varekai recently. The hub and I decided to have early dinner at nearby Manila Hotel.

In fairness, hindi na luma at may punit ang uniform ng mga sumalubong sa amin sa pinto. Parang nagbago narin ang staff sa Café Ilang Ilang.  The café was spruced up din. Hindi na rickety ang mga chairs. Maaliwalas na rin at may mga bagong furniture. Malakas narin ang aircon.

Di gaya ng dati though, a hostess did not meet us at the entrance. We went walking inward with not one soul to assist us. So we wandered into the café choosing a table. We sat on the one nearest the pool area.

We had to call a server to get a menu, and we smelled our server about 10 feet away – he was reeking of cologne na parang... uy... parang ilang ilang. Agk ahkkk….. tawagin ka nalang namin pag ready na kami umorder. Parang lumabo kasi bigla ang letra ng menu at umabot sa utak yung amoy ng pabango mo chong - was what I was tempted to say. Gusto ko pa sanang nguyain ang buong menu at pumili leisurely, but… “caesar salad and hamburger, medium well. Game!”. Hub had the pancit canton.

Eto na. In the familiar Manila Hotel fashion, ang tagaaaaaaal dumating ng order. Naluma yung usual na “kinakatay pa ba yung baka?”- sa sobrang gutom at inip ko feeling ko nagliligawan palang yung nanay at tatay nung baka na ipapanganak, palalakihin, at kakatayin. Yung pansit ni hub feeling ko dinadasalan pa yung arina na hahaluan ng tubig at itlog, mamasahin at gagawing noodles. Yung caesar salad? Hala out of town si mang cesar. Tatawagin ko sana si server namin para magpa una muna ng tinapay pero… wag na nga’t baka lalo akong mahilo. Deadly ang kumbinasyong gutom at pabango meyng.

Kaya pinagtripan muna namin ang lugar at ang menu.

Tamang-tama ang pangalan nila dahil ilang-ilang minu-minuto nalang hihimatayin nako sa gutom









Itong isa sa mga bagong muwebles na ito caught my eye. Saktong pang barkada. Naka elevate ang couches into bar level, kaya pag may punit ang pantalon mo wag ka na. Matutuluyan ang punit at magiging paldang may slit ang suot mo.


Simple lang ang table setting. Nagandahan ako sa water glasses (yang pamilya na naka "da who" sa pic ng glasses e keeeee iingay! sabi nga ng irog ko e kapalaran ko talaga ang matabi sa maiingay twing kakain sa labas).




Sabay-sabay dumating ang food (pati tinapay). Ang sarap nung caesar's salad, pero di gaya ng dati, wala nang anchovies. Masarap din yung hamburger pero hindi juicy at pareho sila ng temperature nung salad :( Malambot at mainit yung dinner rolls (inupakan namin at humingi pa ng dagdag, pero yung dagdag wala nang kasamang butter pffft). Yung pansit ni irog, di ko na pinakailaman at kapyangot lang. Pero masarap daw.






.


Buti nalang nakasabit sa tenga at nakabuhol sa batok ang ngiti ko dahil manonood kami ng bonggang sirko. 


Um-order si irog ng halu-halo nung kumakain sya. Ako, nag decide akong gusto ko rin pala ng halu halo nung patapos na kami kumain. Sabay parin dumating halu-halo namin. Yung nga lang, yung isa parang me bayolet na gatas ang yung isa e me ube ice cream. Yung traditional Pinoy halu-halo na may buong yelo, kuhang kuha ng Cafe Ilang Ilang. Uric acid delight ang halu halo kasi puro beans. Walang saging kainis. Pero masarap parin.

 Ang masaya, may 20% discount sa mga manonood ng Varekai :) Pagbayad namin (nang nakangiti), off we went to the tents. Ito lang ang picture namin doon dahil sumusunod kami sa batas at hindi matitigas ulo namin. Sinabi nang no pictures sa loob e lekat andaming pasaway hehe.

The show was spectacular, like nothing I've ever seen! Nahilu-hilo ako sa matataas na pagsisirko pero... mas nakakahilo parin ang pabango ni manong!



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento