In my line of work, I have sat down through some portions of the editing of my audio visual presentations. It is in these long-wait gruelling and attention-to-detail sessions that the good cuts during the shoot are compiled as raw material, in which the final materials are chosen and built into the presentation to create a smooth story. It takes weeks to edit a 7-minute material. Relative to the editing sessions of BLPEdition however, my experience is a walk in the park.
Imagine this. Ang Camera 1 susundan ang bawat galaw ng blue. Camera 2, sa red. Camera 3, wide shots. Camera 4, close-ups. Dahil reality show ito at walang script, the crew only has the structure dictate of the show as their guide. Anything is allowed to happen.
Ibig sabihin, tutok kiti tutok ang drama ng crew. Hindi pwedeng may ma-miss na eksena at baka TV-worthy.
Ibig sabihin, halos walang tigil ang kuhaan ng eksena hangga't gising ang mga Bigating Pinoy.
Ibig sabihin, napakaraming footages nito. Sandamakmak ang pagpipiliang mga eksena na gagawing 30-minute show. Dapat makapigil hininga at entertaining. Dapat malaman. At pagtapos ng isang edit, may apat pang gagawin kasi 5 times a week ang programa.
Ibig sabihin.........matindi ang direktor at editor ng show na ito. Namamakyaw sila ng pasensya sa lahat ng tindahan hanggat wala ka nang mabili. Paldu paldo ang experience ng dalawang ito sa larangan ng telebisyon o pelikula.
At sa kanilang lahat sa likod ng kamera, bawal ang tamad at quick fixer. Mukhang masisigawan ang bebegel begel. Bawal ang antukin. Bawal magkasakit. Hindi magtatagal ang burara. Hindi pwede ang pwede na.
Kaya kasing taas ng respeto ko sa mga Bigating Pinoy na naghuhumingal para mas mapabuti ang kanilang mga buhay ang pagpupugay ko sa mga nasa likod ng pagkabuo ng bawat episode ng BLPE. Isa sila sa mga grupo ng mga tao na nagpapatunay ng tindi ng pagbibigay ng biyayang-talino at lakas ng Diyos.
Kaya sa Biggest Loser Pinoy Edition production team, Mabuhay! Naway patuloy na makita sa bawat episode ng BLPE ang inyong pagmamahal sa inyong sining!
Email Extractor
TumugonBurahin