Biyernes, Hulyo 22, 2011

Mga Masasayang Pagkahilo

I was very pleased to have had the chance to see Varekai recently. The hub and I decided to have early dinner at nearby Manila Hotel.

In fairness, hindi na luma at may punit ang uniform ng mga sumalubong sa amin sa pinto. Parang nagbago narin ang staff sa Café Ilang Ilang.  The café was spruced up din. Hindi na rickety ang mga chairs. Maaliwalas na rin at may mga bagong furniture. Malakas narin ang aircon.

Di gaya ng dati though, a hostess did not meet us at the entrance. We went walking inward with not one soul to assist us. So we wandered into the café choosing a table. We sat on the one nearest the pool area.

We had to call a server to get a menu, and we smelled our server about 10 feet away – he was reeking of cologne na parang... uy... parang ilang ilang. Agk ahkkk….. tawagin ka nalang namin pag ready na kami umorder. Parang lumabo kasi bigla ang letra ng menu at umabot sa utak yung amoy ng pabango mo chong - was what I was tempted to say. Gusto ko pa sanang nguyain ang buong menu at pumili leisurely, but… “caesar salad and hamburger, medium well. Game!”. Hub had the pancit canton.

Eto na. In the familiar Manila Hotel fashion, ang tagaaaaaaal dumating ng order. Naluma yung usual na “kinakatay pa ba yung baka?”- sa sobrang gutom at inip ko feeling ko nagliligawan palang yung nanay at tatay nung baka na ipapanganak, palalakihin, at kakatayin. Yung pansit ni hub feeling ko dinadasalan pa yung arina na hahaluan ng tubig at itlog, mamasahin at gagawing noodles. Yung caesar salad? Hala out of town si mang cesar. Tatawagin ko sana si server namin para magpa una muna ng tinapay pero… wag na nga’t baka lalo akong mahilo. Deadly ang kumbinasyong gutom at pabango meyng.

Kaya pinagtripan muna namin ang lugar at ang menu.

Tamang-tama ang pangalan nila dahil ilang-ilang minu-minuto nalang hihimatayin nako sa gutom









Itong isa sa mga bagong muwebles na ito caught my eye. Saktong pang barkada. Naka elevate ang couches into bar level, kaya pag may punit ang pantalon mo wag ka na. Matutuluyan ang punit at magiging paldang may slit ang suot mo.


Simple lang ang table setting. Nagandahan ako sa water glasses (yang pamilya na naka "da who" sa pic ng glasses e keeeee iingay! sabi nga ng irog ko e kapalaran ko talaga ang matabi sa maiingay twing kakain sa labas).




Sabay-sabay dumating ang food (pati tinapay). Ang sarap nung caesar's salad, pero di gaya ng dati, wala nang anchovies. Masarap din yung hamburger pero hindi juicy at pareho sila ng temperature nung salad :( Malambot at mainit yung dinner rolls (inupakan namin at humingi pa ng dagdag, pero yung dagdag wala nang kasamang butter pffft). Yung pansit ni irog, di ko na pinakailaman at kapyangot lang. Pero masarap daw.






.


Buti nalang nakasabit sa tenga at nakabuhol sa batok ang ngiti ko dahil manonood kami ng bonggang sirko. 


Um-order si irog ng halu-halo nung kumakain sya. Ako, nag decide akong gusto ko rin pala ng halu halo nung patapos na kami kumain. Sabay parin dumating halu-halo namin. Yung nga lang, yung isa parang me bayolet na gatas ang yung isa e me ube ice cream. Yung traditional Pinoy halu-halo na may buong yelo, kuhang kuha ng Cafe Ilang Ilang. Uric acid delight ang halu halo kasi puro beans. Walang saging kainis. Pero masarap parin.

 Ang masaya, may 20% discount sa mga manonood ng Varekai :) Pagbayad namin (nang nakangiti), off we went to the tents. Ito lang ang picture namin doon dahil sumusunod kami sa batas at hindi matitigas ulo namin. Sinabi nang no pictures sa loob e lekat andaming pasaway hehe.

The show was spectacular, like nothing I've ever seen! Nahilu-hilo ako sa matataas na pagsisirko pero... mas nakakahilo parin ang pabango ni manong!



Tekalang, Ginoong Saret

Parang lumihis po yata kayo sa papel ninyo bilang tagapagbigay-sigla sa mga nais magbagong-buhay.

Yours is the precious responsibility of inspiring these hopefuls to push towards their goal and deny themselves their comforts and unhealthy habits. As a morbidly obese person, i have a good idea what this physically and emotionally entails. These admirable individuals have created their coping device - friendship - to alleviate the suffering they undergo. Imagine their anguish when they have to choose whom to let go - anyone of them is a part of each other's lives. They do not deserve more emotional suffering from you.  Hindi madaling tumalun talon, tumakbo, magbuhat, lumihis sa kinasanayang pagkain. Dagdagan pa ba ng galit ninyo na walang ibang gagawin kundi pasamain ang loob nila? Ikakabuti ba ng kalusugan nila ang mga sinabi mo ginoong saret? Oo at kailangan silang itulak at pagalitan paminsan, pero this was not one of those cases sir.

You are entitled to your own feelings and thoughts, but as someone who the bigating pinoys look up to, your speech on what you suggest as a bad choice on eliminating joy over winwin was uncalled for.
Una na nga sa lahat, hindi mo na lugar para magbigay ng vocal na opinyon tungkol dito dahil hindi ikaw ang inatasang magdesisyon sa eliminations. Pangalawa, sa tingin ko'y hindi mali ang kanilang naging desisyon (and i'm not partial to either joy or winwin). Pangatlo at higit sa lahat, you have put winwin in an awkward, sensitive, hurtful position. There's a reason why the contestants themselves choose whom to eliminate, and you should not involve yourself in this. You should not show a tinge of partiality, no matter how valid your opinion of things are.

Halatang halata sa mukha mong hindi ma-ngiti ang ngitngit mo coach. Halata ding pinahirapan mo sila sa workout session nila pagkatapos ng speech mo. Punishment ba ito sa kanila? Bakit?

Please remember what you're there for. Alalahanin din po sana ninyo na hindi po tungkol sa inyo ang BLPE - hence, your opinions on how things should be are not necessarily norm. You are a conduit towards their goals, not a teacher with a whip na namamalo ng mga estudyanteng hindi sumang-ayon sa nasa isip mong dapat.

Pakiusap lang po, please mentor the bigatins in terms of weight loss and a healthier lifestyle. Please remember also that a healthier lifestyle does not only involve what they put in their mouths, but what they receive into their hearts and minds, and in this case, what they pick up from their mentors while in camp.

Martes, Hulyo 5, 2011

Dalawang Dekada Paatras

Pag sa gitna ng iyong pagsha shopping e parang biglang gusto mong bumili ng gel at maghanap ng pantalon na baston, o di kaya e mag warmers at magsuot ng headband sa noo...... tapos maya maya may naririnig kang Axel F.... wag kang mag-alala, di ka nabu buang. Papalapit ka lang nang papalapit sa House of Minis sa Shoppesville, Greenhills!

Of the other House of Minis outlets, this one takes you back to the 80s all the way. Kulang nalang katabi mong kumakain si Michael J. Fox. Feeling ko high school ako na may pera - sarap!

Pagpasok namin sa resto, ang diliiiiiim. Reminds me of Tia Maria in Makati Avenue during my decade of Zombie and cheese dips, na bawal umuwi nang hindi laseng o nag iwan ng alaala sa cr. Tamang-tama ang dilim noon kasi estudyante pa ako't hindi maka bihis ng "civilian" bago makipag inuman sa publiko. Pero andalas namin doon  (wowww let's go to Tia paaaaaare [at puro babae kami ha] there's a new drink Chi Chi)... sabay sakay ng jeep ngyahahaha ingles nang ingles wala naman palang kotse pwe! hahahahaha.

Pero teka, hindi naman kailangang patago ang pagpunta sa steakhouse na ito, bakit andilim? Pagpasok namin parang nakakatakot pumunta ng cr kasi baka pagbukas mo ng pinto may sumalubong sa yong kabayo....

Ahh..,, kaya pala. E pano mangingibabaw ang Christmas lights kung maliwanag? At pake natin kung gusto nilang pasko buong taon? Yung 1980s nga nadala nila sa 2011 e. At baket, munisipyo lang ba ng Mandaluyong ang pwedeng mag Christmas decor year round?

Habang kumakanta ang The Rah Band ng Sorry Doesn't Make It Anymore e binabasa ko na ang menu (na syempre di ko mabasa kasi.....hulaan moooooo). Tinawag ko na ang waiter. In fairness pati waiter 80s na 80s ha - dalawang dekada nalang 80s na sya. Pero wag mo isnabin, kitang-kita parin nya kung saan ilalagay ang gravy kahit na madilim.

Napansin nyo ba yung chaleko (bawal ang vest at hindi 80s yun) at yung kurtina? O..... sa kulay lang nagkaiba diba. Kayanin mo din yung alternate green and red table cloths - matching sa Christmas lights.

Nangingilo na ang ngipin ko sa synthesizer at claps ni Harold Faltermeyer nang ilabas na ang steak namin. Nauna kasi ang pagkasarap sarap na mainit na tinapay at sopas na.... na.... na parang nilagang papel na may konting gatas (ng kabayo?!!!). Buti nalang bottomless ang Knorr seasoning at paminta.

May salad din pala ang steak meal. Simple green salad lang na me hundred island dressing (thousand island ka jan e ketchup at mayonnaise yung nakapatong sa gulay).
Nung nakita na ni manong este ingkong na ubos na ang tinapay sopas at salad namin (reklamo nang reklamo uubusin naman pala), sinenyasan na nya ang cook na lutuin na ang aming tenderloin and porterhouse steaks. Ako, simple lang ang requirement ko sa steak - malambot at hindi bulok. My tenderloin was delicious! Really tender and tasty, and the gravy was complementary. Ingkong is nice to remind you to cover your face with the napkin as he pours the gravy for a sizzling plate.My hubby's porterhouse was also good - judging from the fact that again, I did not come around to trying it hehehe. The corn and potato sidings were perfect! May sayote pa! :)




We ordered more bread to mop up the gravy :)


The meal comes with free dessert. And just when I thought they'd take the easy route and bring a 21st century dessert...... out came

......mocha ice cream! Hindi namin malaman kung anong brand ito, my hubby was an ice cream flavor creator and tester at one of the most popular brands, but he's stumped! Sabi ko, ahhhh.... baka Presto ito hahahaha 80s parin! Ang sarap! Medyo katabi nga lang ata ng grill ang kinalalagyan dahil medyo mocha shake na hehe.

It was an awesome experience! How many times do I get to literally step back in time and stay there for hours? How many times do I get to reminisce my younger days of afternoon discos and singing whitney houston with huge karaoke machines with kweba-tic reverb while seemingly actually being there? How many times do I confirm that I was once young? :)

Hayyyy (with a huge smile and a burp)......!!

Biyernes, Hulyo 1, 2011

Mapunta Naman Tayo Sa Likod


In my line of work, I have sat down through some portions of the editing of my audio visual presentations. It is in these long-wait gruelling and attention-to-detail sessions that the good cuts during the shoot are compiled as raw material, in which the final materials are chosen and built into the presentation to create a smooth story. It takes weeks to edit a 7-minute material. Relative to the editing sessions of BLPEdition however, my experience is a walk in the park.

Imagine this. Ang Camera 1 susundan ang bawat galaw ng blue. Camera 2, sa red. Camera 3, wide shots. Camera 4, close-ups. Dahil reality show ito at walang script, the crew only has the structure dictate of the show as their guide. Anything is allowed to happen.

Ibig sabihin, tutok kiti tutok ang drama ng crew. Hindi pwedeng may ma-miss na eksena at baka TV-worthy.    

Ibig sabihin, halos walang tigil ang kuhaan ng eksena hangga't gising ang mga Bigating Pinoy.

Ibig sabihin, napakaraming footages nito. Sandamakmak ang pagpipiliang mga eksena na gagawing 30-minute show. Dapat makapigil hininga at entertaining. Dapat malaman. At pagtapos ng isang edit, may apat pang gagawin kasi 5 times a week ang programa.

Ibig sabihin.........matindi ang direktor at editor ng show na ito. Namamakyaw sila ng pasensya sa lahat ng tindahan hanggat wala ka nang mabili. Paldu paldo ang experience ng dalawang ito sa larangan ng telebisyon o pelikula.

At sa kanilang lahat sa likod ng kamera, bawal ang tamad at quick fixer. Mukhang masisigawan ang bebegel begel. Bawal ang antukin.  Bawal magkasakit. Hindi magtatagal ang burara. Hindi pwede ang pwede na.

Kaya kasing taas ng respeto ko sa mga Bigating Pinoy na naghuhumingal para mas mapabuti ang kanilang mga buhay ang pagpupugay ko sa mga nasa likod ng pagkabuo ng bawat episode ng BLPE. Isa sila sa mga grupo ng mga tao na nagpapatunay ng tindi ng pagbibigay ng biyayang-talino at lakas ng Diyos.

Kaya sa Biggest Loser Pinoy Edition production team, Mabuhay! Naway patuloy na makita sa bawat episode ng BLPE ang inyong pagmamahal sa inyong sining!