We revisited Behrouz at its newest location, Santana Grove along Sucat Road Pque. Iniisnab ko ito kahit madalas kami sa Santana because I remember Behrouz being an expensive restaurant.
Nung dumating yung bill for our chicken barbecue, beef barbecue, pita bread, beef tenderloin with basmati rice, and melon shake, aba parang nag-mura sila!
Di kaya dahil ang labnaw nung garlic sauce? Ang layo sa sarap at linamnam nung garlic sauce ng cafe med- hinihilamos ko yun meyng.
O baka naman ignorante lang ako sa Persian food? Naghihirap ba sa bawang ang Persia?
Ang tabang din nung chicken barbecue. Naghihirap din ba sila sa asin? Sinalaksak ko sa pita bread yung manok, nilagyan ko ng kamatis, wala talagang lasa. Pinaliguan ko ng garlic sauce wala paring lasa (sinabi na kasing matabang yung garlic sauce e).
Teka, may asin at paminta sa lamesa. Optional pala ang alat?
Tapos, ang lakas pa ng kwentuhan ng wait staff sa booth sa likod namin. Sa sobrang lakas pakiramdam ko ka-join kami sa conversation. Gusto ko na tuloy makialam dun sa nagbabalak magtanan - "Kung akala mo e masosolusyonan ng mga gawaing dahas ang walang lasa mong buhay, nagkakamali ka.".
Yung walang lasang garlic sauce at chicken barbecue nalang ang solusyonan mo.
Makasumbong nga ke Behrouz. Siguro sya yung nasa picture sa loob ng resto. Yung Kenny Rogers me picture nung singer e.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento