Umpisa palang ng week, lechon paksiw na ang nasa utak ko. Akala ko kasi kakain ako ng nito ng Sunday the previous week. So when my loved one asked the usual question after church, my response was an immediate "lechon". "Saan?", tanong niya. "Ewan, basta lechon" - hala, I was in a trance. Off we drove from ortigas to c5 where Lydia's Lechon in Pasig was.
Hurriedly (and still in a trance), I stepped off the car and was greeted with two smiles -one from the guard and another (more wide) from the supervisor. Sa isip isip siguro nya, "Quota agad kami sa benta sa dalawang 'to. Makakauwi ako'ng maaga!". Everyone was friendly and happy to serve. Ang lakas ng aircon woo hoo!
Pinaghalong turu-turo at casual dining ang Lydia's Lechon. Go to the counter where the ulams are displayed tapos ituro mo na ang gusto mo. The food is served at your table. You can get your lechon fix for as low as P115 - combo yun dalawang ulam and kanin. The lechon per kilo is around P750, and when taken home is chopped and neatly packed in a bowl na bilao with banana leaves.
The skin was crunchy and the lechon sauce was major major liver- sarap! The lechon paksiw had the right sweet sourness na di gaya ng sa iba na parang pinakuluan lang yung baboy sa mang tomas.
Not to miss is the lumpiang sariwa. Simple lang yung components na nakabalot sa egg wrapper, but the sauce is divine. Not the typical matamis na toyo na pinakapal ng cornstarch at binudburan ng dinikdin na mani - this one tasted like gravy from the drippings of the lumpia filling.
Two noticeable fixtures in the restaurant are the CCTV, which shows activity from the kitchen, behind the counter, and on the dining floor; and the small temperature-monitored dessert chiller. Mahirap ang tsansang madumi ang handling ng pagkain and panis ang gatas ng buko pandan at fruit salad.
We had the bbq and lechon combo, lechon paksiw, rice, 2 coke zeroes, 2 buko pandans, and 1 kilo of lechon to take home - P1,200
----------------------
Edi naidaos ko na ang lechon paksiw pagkaloka ko... halinang tumingin ng sapatos! We drove further up c5 towards Eastwood and stopped at Club SixFifty where The Sports Warehouse is. Dito kami bumibili ng mga brand new na rubber shoes na mas murang matindi kasi one year old na ang style. Sulit na sulit. Si irog ko lang ang titingin ng shoes so umupo muna ko - sa Blushing Cupcakes coffee shop within the same compound.
The small shop was packed with young athletes, isa ata sa kanila ang may ari. I took a seat at a small table within the masikip na area after I ordered the peppermint cupcake, the red velvet cupcake, and iced caramel latte.
The cupcakes did not look very impressive, kung dala ito ng food sponsor sa prayer group, nakaka wow. Some cakes did not fill the large cups and the swirls were not consistent. Biting into the red velvet cupcake however, sa flavor naman pala bumawi. The cake was light and moist and its slightly salty cream cheese frosting was a good contrast.
When I tried the peppermint cupcake, wow, lasang masahe. It tasted like the scent that meets you at The Spa. The chocolate cake base was okay though.
As for the caramel latte.... gumawa nalang kayo sa bahay. Walang pagkakaiba. Lukewarm coffee with cream iced with ice cubes from a domestic tray. Not worth the P65.
Pagtapos tumingin ng sapatos ni irog, he joined me for a frosted vanilla cupcake. Ayun, eto oks. Another thing going for them, according to my hubby, is "matibay yung paper kaya pwedeng simutin yung cupcake.".
Cupcakes range from P27-P37 each. Pwede nang pang pasalubong or pamatid-gutom. Marami pang flavors, dulce de leche, oreo cheesecake - yun lang natatandaan ko. Oh, and they also serve daing na bangus, vigan longganisa with rice..... O di ba... Blushing Cupcakes with rice meals. Parang yung German resto na nagse serve ng laing at bicol express at yung Cafe Francaise na pinagmamalaki ang kanilang authentic Italian cuisine.
---------------------------------
Nagsusumigaw na ng gupit ang longhair ko kaya we went to Salon de Matt along Pioneer St., near Cityland and Joey Pepperoni. Matt is a hair stylist at the Peninsula Manila and his salon is his own contribution to brilliant salon service sans the corresponding high cost and a low-cost salon sans the loud kwentuhans among the hairdressers. Ang ingay lang na narinig ko e yung mga kanta ni Sara Brightman and iba pang soothing classics, at yung mga bagets na pinagtatawanan ang tomahawk na pinagawa ng barkada nila. "Pa-ganyan kaya ako", sabi ng asawa ko. "Ipag-pray natin", sagot ko.
Ang saraaaaap ng shampoo :) While waiting for Rodel, my hairdresser, minasahe pa shoulders and back ko. Hayyyy... mamya ka na dumating Rodel ha... Rodel did my hair, a beautiful bading na softspoken "Mmm.... hano pong gagawin natin sa buhok nyo maaaaammmm...." Na dahil sa pagka relax ko sa pagkamasahe sakin muntik ko nang saguting "kahit ano, kahit kalboooooh". Snipping away for a while, I got the haircut I wanted.
Aba nagpapa foot spa na pala si irog. Sinabayan ko nga ng pedicure hehe.
The haircut cost P120, the Foot Spa P300, and the pedicure P130. Biglaan ang decision kong magpa pedicure so I came in with closed shoes. Binigyan ako ng slippers to wear on the walk to the car. Galing.
-------------------------------
Edi syempre gutom nanaman kami. Spicy Chicken Wings! We only go to one place for this - Buffalo's Wings N' Things. May outlet sila sa Ortigas Home Depot's Food Street.
Hindi bulgar ang tamis ng spicy wings nila. Ang ganda ng mix ng asim, anghang, tamis, init, paso, at pawis. Nagpapaka-New York ang shop, with icons sa walls. Ang ikli ng palda ng mga waitress kasi... kasi wala naman talaga sila sa maginaw na New York. Tig iisang bulto ng paper towels ang meron bawat table kasi lahat ng likido ng katawan mo lalabas sa balat mo lalo na pag ang in-order mo e yung Armageddon wings.
Se-serve-an ka ng paper plate and plastic fork ang knife, pero kelangan mo lang yung kubyertos sa una at pangalawang subo ng mainit na manok. Maaatat kang isawsaw ang wings sa blue cheese dip (separately ordered) kaya kakamayin mo ang mga to.
May categories of hotness ang wings and meron ding hindi maanghang. We had a pound of rookie (walang anghang) and a pound of firehouse (medyo maanghang) na wings. I'd normally get the Nuclear (2nd to the hottest) wings pero .. este... me sitwasyon kasi nung araw na yun hehe. We also had dirty rice and a side of fries. Our total bill, P685.
Common ang banyo pero malinis (ewan ko lang kung dahil apat lang kaming kumakain at Linggo). Ang pinakamaganda, merong bidette! Nag cartwheel ako palabas ng banyo! Sabay hand sanitizer kasi walang sabon.
Two restos, a salon, and some Chatime in between, in one afternoon. Ayan kase, nabitin sa lechon.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento