like our first lunch-out, more time is spent looking at the menu choosing healthy. hindi kami na-distract sa dami ng pagpipilian kundi.....sa katabi naming pagka bait bait to share their table with us, pero ang kapalit pala e pagka lakas lakas na kwentuhan nila. magkalayo nga naman kasi ang magkaharap na kumakain. pero wow, di na nila kelangan ng telepono para balitaan nila yung nanay nilang nasa dagupan.
di na namin kelangan ng chicharon, kasi ang lutong ng boses nung babae ("kelangan na natin dumaLAW kina mommy baka mapiTIK na tayo sa teNGA!").
nung medyo humupa ang kwentuhan nila - ang galing nila ha ambilis nila kumain at the same time at ni minsan e di sila nabulol, gumaralgal, o naging muffled sa pagsasalita - um-order na si Hub. we ended up with the beef na set menu.
ibinuhos na ang sabaw sa mga kaldero namin at habang hinihintay namin ang in-order e nilabas na namin ang aming apples and crackers.
tinikman namin ang sabaw, uy, a little saltier than what we've been used to since the eating plan, pero pwede na rin. hindi namin dinagdag yung dark sauce na pampadagdag-alat. they then served the condiments.....
.... na hinelera namin sa tabi kasi hindi namin gagamitin. ambilis nung waiter di namin nasabing wag na e. pero teka. UY may itlog. pwede samin yan! pero pang breakfast. "i-take home natin!".... hala mag take home daw ng itlog na hilaw! pwes... nilaga namin yung itlog sa kumukulo nang sabaw hahahaha.
tinimplahan na din namin ng konting garlic, spring onions, and chili yung sabaw namin. ang sarap!!! ok, ready na kami. fight!
edi dumating na ang mga gulay-gulay etc. casting time....
hindi kasi lahat ng klase ng gulay kasama sa eating plan namin. may portioning din. so sa isang kumpol na non-meat food na ito, ang nilaga lang namin e yung pechay at repolyo (approx 100 grams each). dumating na yung karne. ang dami! dalawa nito ang order namin. teka, 130 grams lang ang allowed satin. daming masasayang!
e teka wala naman palang sayang. kulang meron. 100 grams lang ata 'tong karneng to. ang ninipis ng hiwa kaya kala mo woooowwww dami! hahaha. pag nilagay mo sa harap ng mukha mo ang isa nito, kita mo kung ano'ng pangalan at klase ng kape nung nasa katabing istarbak. ang tawag ko sa serving ng karne na to e "what you see is what you get", kasi kung ano yang nakikita mo sa picture, yan na yun. repolyo ang nasa ilalim nyan hahaha. pag nilagay mo na ang karne sa kumukulong sabaw... wag kang kukurap!
kasi ilang segundo lang, matutunaw ang karne sa tubig! hahahaha UY! asan na yung karne? binulsa mo ba? baka nasa langit na hahahah ganun sya kanipis meyng.
in fairness, this is one healthy meal that we enjoyed much. very filling ang sabaw at walang ka praning-an na nangyari sa shabu shabu na ito (masyado atang maraming mantika! nako, may inihaw kayang pork sa pinag-ihawan nitong fish? bakit tingin nang tingin sa bag ko 'tong mamang to?) dahil it was really meant to be a healthier way of eating in the first place. we just had to choose our vegetables and meat.
tinake-home namin yung mga hindi namin kinain na gulay, tofu, fish balls, kani, and noodles. ke babait nila't binaunan din kami nung sabaw at mga pampalasa. inuwi namin sa sister ko na tuwang-tuwa "ey... bakit luto na yung itlog?"
bago umalis, may libreng discount card pa for the next visit!
babalik! babalik!
sana ang makatabi namin next time e di maingay. di maingay magkwentuhan at humigop :)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento