Biyernes, Nobyembre 18, 2011

weh- kasalanan ba?

thank you so much for my slew of supporters dito sa healthy lifestyle change namin ni Hub. damang dama ko ang prayers ninyo whenever i get tired of what i'm eating or whenever i see my trigger foods on tv. kung hindi sa inyong lahat, tumalembong na ko't naglupasay habang naka-ngangang nag-aantay ng sokolet na mahuhulog sa puno ng refnangeeba (refrigerator ng iba).

so far, so good. lumuluwang na ang mga singsing ko :) kahit may time limit ang energy ko, dumoble ang aking walk and skip and i can do more physical things around the house. nag-iiba na daw hitchura ng mukha ko, ang saya ko! sana soon mawala tong pangalawang mukha ko na nakapatong sa original kong baba. pag niyayakap ako ni Hub, numinipis daw ako. hindi na daw ako malakas humilik hehe.

anlaki din ng development ni Hub. all of the above! ang pinakamasaya at nakaka inspire sakin e kumakain na sya ng gulay at prutas. mula nang makilala ko sya, normal sight sakin ang nagdadabog kainin ang pechay at repolyo sa tinola. ngayon, bawa't main meal kumakain kami pareho ng gulay. twing kagat nya pati sa mansanas, para akong kinikilig na eba minus the muwahahahahaha ng orig na eba ni adan.

among those who know of our healthy lifestyle change, may mangilan-ngilang .... hm... hindi supportive. balak kaming tiwalagin with temptations of the mind. yung iba naman, nabubuset na libre naming nakuha ang diet na 'to at hindi gumastos ng limpak limpak na konti nalang e pang down na ng kotse.

our Cohen diet came from a friend months ago, and we appreciate him so much!!! his lifestyle and weight are pretty much like ours, closer to the Hub's. voracious eater din, mataas din ang chole at asuks sa dugo. may bone situation din gaya ko. i was hesitant at first, kasi according to its makers, the diet is based on one's blood chem so super super absolutely individualized.

binasa namin ang diet nya and the bottom line was - it made a lot of sense. pano kang hindi magiging mas healthy kung babaan mo ang sugar and salt intake mo at kakain ka ng balanced meal? ala naman silang pinapainom na kung anu anong gamot o pinapa pahid na bertud na dinadasalan ni apong art na kumakausap sa dwende. ekspalanado naman kung bakit kailangang umiwas sa ganito't ganyan - actually matagal na nating nababasa ang mga explanation na ito.

eto pa. nung nagtanong kami sa 2 or 3 others already in the diet, aba'y halos pareho lang ang eating plan kahit magkaiba kami ng blood type (at siguradong magkaiba ng blood chemistry). kung may pagkakaiba man, siguro yung pangalan namin.

edi subukan diba diba diba? di naman kasalanan.

if our friend was kind enough to spare us the cost, and if we find no odds, nothing wrong. kaya nag-umpisa na kami and we are now on day 12! nagbabantay kami kung may adverse effects like unexpected panghihina, laging pagkahilo (lalo na ko't mataas sugar ko), pagiging restless, nagpapawis ng malamig, hindi maka-isip ng matino (pag ginugutom ko sarili ko di ako makapag-trabaho)... e apart from the first day na expected ang panghihina, we're fine naman.

i realize that i am one big proof that the eating plan works, if i get to my ideal weight and maintain it. kaya i know friends will ask for the eating plan. pero in all respect for our friend who shared his Cohen plan with us, i will share the same general thing lang - eat a balanced meal, watch your portions, don't eat too late at night, don't skip meals, and don't make puyat. yung exercise, wala pako dun hehe walking walking muna ng pasaglit saglit with my beloved dog.

thank you thank you friend-who-shared-Cohen-with-us! your heart is so kind that you did not keep the good news to yourself. i respect those who will not do as he did (hindi biro ang binayaran n'yo ha!), but be happy nalang for the recipients of this kindness. sa mga gaya kong mabibiyayaan ng ganito, please check commonalities between you and your giver para mas safe, and watch out for tell tale signs that the eating plan is not for you.

hindi pako nakakabili ng weighing scale. medida muna kaya?

2 komento:

  1. Ms. Irene, we support you! Wow, excited nako para sa inyo ng hubby mo. :) Paano na ang mga masasarap na dishes ni mister? hehehe. Good luck, God bless, and see you soon! :)

    TumugonBurahin
  2. thanks for your support The Explorer! mas mahirap talaga kay mister kasi kailangan nyang tikman ang mga luto ng mga estudyante nya, he spits them out :) ang hirap kasi natitikman nya ang mga bawal kaya mas struggle ang mag diet.

    i'm so proud of him, he's lost mga 20 pounds na! he looks different na rin, mas cute :) in fact, 2 pounds nalang di na sya pwede sa biggest loser :)

    masarap parin sya magluto, he prepares most of our meals pag andito sya sa bahay. iba talaga pag sya nagluto, pag ako nagsasawa ako e hehe.

    and yes, see you soon! pwede akong mag coffee na decaf na walang cream and sugar hehe God bless you!

    TumugonBurahin