Lunes, Pebrero 27, 2012

Kowmpidens

nag ambisyon akong mag 5k - actually, confident ako sa distance na to kasi one, walk-run naman ako and two, medyo nabitin ako dun sa previous kong 3k. anyabang ko mga chong! nag register ako sa runrio na bitbit ang pinakyaw kong confidence sa tindahan ni Bebang Yabang. "3k po uli kayo mam?" "hhhhhindeh, 5 khey!" wid matching pandidilat at taas ng dalawang kilay na sinagot ko sa nasa kaha. "e mam..... pwede bang L nalang ang ibigay naming singlet, ubos na kasi yung XXL" ah.. hindi ako ganun ka confident. gusto kong mag 5k pero marathon ito, hindi swimming. ayokong mag swimsuit. "nako naman miss, pano naman magkakasya yung L sakin. kahit lulunin ko lang ang laway ko mula ngayon hanggang sa araw ng marathon, hindi ako papayat ng dalawang sizes." "stretch naman mam e" abaaaaaaa....... hindi pala ako gustong magmukhang naka-swimsuit ng ale na to, gusto nyang makakita ng salbabidang tumatakbo. buti nalang marami akong pondong kowmpidens. muntik nang mabutas nang tuluyan ang salbabida este kompyansa ko. buti nalang konti lang ang nabawas.

compared to the condura skyway marathon, mas organized ang Asian Hospital Run. walang trapik ng tao kasi they apparently controlled the number of participants per category. the Hub started running at 530am, kaming 5k at 550am, both as scheduled. maaga at bago mag bukang-liwayway. dun nga sa unang rehydration station may naghanap ng kape e. nag sleep run ata.

during the countdown, may music ng mga tambol. sabi ko, wow, parang live ang tugtugan a! pagtingin ko sa harap, abay live nga! di ko lang nakita kasi ati-atihan sa dilim.

kasama ko sa 5k ang dalawa kong byenan. kasya sa kanila yung singlet - dun palang nabawasan nanaman ang baon kong confidence. mga senior citizens sila chong. ang mommy tisay na naka leggings. ang daddy energized na energized. 5....4.....3......2......1.....gunstart! takbo nako! bukod sa ati atihang di makita, we were sent off by a huge yellow round fruit mascot - habang dinadaanan ko sya naiiwan ang leeg ko - hanggang ngayon di ko malaman kung ano yun hahaha. smile for the cameras! pero paglampas ng mga camera, lakad na ko. zoooooom!!!! nilampasan na ko ng mga byenan ko. hwaaaaaaaaa

pero bakit ba. ang importante matapos ko ang marathon. lakad with a steady brisk pace ako at full ngiti. habang nalalampasan ako ng iba, ngiti parin! hanggang sa...... huhuhuhu nag-iisa nalang ako! hahahahaha

ako yata ang huling huli sa 5k. hanggang sa.... uy! footsteps na may kasamang hingal! palapit nang palapit hanggang sa nasa likod ko! hindi pala ako nahuhuli yeheeeeyyyy!!!! paglingon ko, batang limantaong gulang na medyo majubis na pagka cute cute. kasama nya ang tatay nya na nagkakamot na ng ulo kasi "daddy i want na ice cream!" anak ng patola hindi pwede mauna sakin to! kakahiya!!!

ayun pala. kahihiyan ang magpapatulin sakin. edi takbo nako with a new motivation - ayoko maunahan ng batang 5y/o sa 5k!

the runrio marshals were so supportive! yung isa nga may suot atang apat na supporter kasi nung hingal na hingal ako handa nya kong saluhin. siguro pag tumatakbo ako parang may spaghetti sa finish line na ayaw kong maubusan. yung isa naman pumapalakpak habang sinasabing "go mam!". yung iba, nagta trapik kasi may mga dumadaan na jeep sa path namin.

better pati ang run na ito kasi malamig yung mga power drinks. nung condura marathon para kang uminom ng matamis na sopas na pinainit ng araw e. wala din kaming nadaanang amoy basura. yun nga lang, usok ng mga sasakyan. twing ganon, ambilis ng inhale-exhale ko. mas malason yun kesa sa amoy ng utot ng kumain ng kumbinasyon ng itlog at kamote.

i finished after an hour and 4 minutes. pwede na! as usual, teary-eyed parin ako nung makita ko ang finish line.

sana marami pang marathon na sing organized nito. sana lagi kaming may funds and energy to participate in these once a month. sana marami pa kaming makilalang new friends.

sana magkasya na sakin ang singlet one day.

sana, sana, malaki ang difference ng time namin nung batang cute :)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento