Lunes, Pebrero 27, 2012

Kowmpidens

nag ambisyon akong mag 5k - actually, confident ako sa distance na to kasi one, walk-run naman ako and two, medyo nabitin ako dun sa previous kong 3k. anyabang ko mga chong! nag register ako sa runrio na bitbit ang pinakyaw kong confidence sa tindahan ni Bebang Yabang. "3k po uli kayo mam?" "hhhhhindeh, 5 khey!" wid matching pandidilat at taas ng dalawang kilay na sinagot ko sa nasa kaha. "e mam..... pwede bang L nalang ang ibigay naming singlet, ubos na kasi yung XXL" ah.. hindi ako ganun ka confident. gusto kong mag 5k pero marathon ito, hindi swimming. ayokong mag swimsuit. "nako naman miss, pano naman magkakasya yung L sakin. kahit lulunin ko lang ang laway ko mula ngayon hanggang sa araw ng marathon, hindi ako papayat ng dalawang sizes." "stretch naman mam e" abaaaaaaa....... hindi pala ako gustong magmukhang naka-swimsuit ng ale na to, gusto nyang makakita ng salbabidang tumatakbo. buti nalang marami akong pondong kowmpidens. muntik nang mabutas nang tuluyan ang salbabida este kompyansa ko. buti nalang konti lang ang nabawas.

compared to the condura skyway marathon, mas organized ang Asian Hospital Run. walang trapik ng tao kasi they apparently controlled the number of participants per category. the Hub started running at 530am, kaming 5k at 550am, both as scheduled. maaga at bago mag bukang-liwayway. dun nga sa unang rehydration station may naghanap ng kape e. nag sleep run ata.

during the countdown, may music ng mga tambol. sabi ko, wow, parang live ang tugtugan a! pagtingin ko sa harap, abay live nga! di ko lang nakita kasi ati-atihan sa dilim.

kasama ko sa 5k ang dalawa kong byenan. kasya sa kanila yung singlet - dun palang nabawasan nanaman ang baon kong confidence. mga senior citizens sila chong. ang mommy tisay na naka leggings. ang daddy energized na energized. 5....4.....3......2......1.....gunstart! takbo nako! bukod sa ati atihang di makita, we were sent off by a huge yellow round fruit mascot - habang dinadaanan ko sya naiiwan ang leeg ko - hanggang ngayon di ko malaman kung ano yun hahaha. smile for the cameras! pero paglampas ng mga camera, lakad na ko. zoooooom!!!! nilampasan na ko ng mga byenan ko. hwaaaaaaaaa

pero bakit ba. ang importante matapos ko ang marathon. lakad with a steady brisk pace ako at full ngiti. habang nalalampasan ako ng iba, ngiti parin! hanggang sa...... huhuhuhu nag-iisa nalang ako! hahahahaha

ako yata ang huling huli sa 5k. hanggang sa.... uy! footsteps na may kasamang hingal! palapit nang palapit hanggang sa nasa likod ko! hindi pala ako nahuhuli yeheeeeyyyy!!!! paglingon ko, batang limantaong gulang na medyo majubis na pagka cute cute. kasama nya ang tatay nya na nagkakamot na ng ulo kasi "daddy i want na ice cream!" anak ng patola hindi pwede mauna sakin to! kakahiya!!!

ayun pala. kahihiyan ang magpapatulin sakin. edi takbo nako with a new motivation - ayoko maunahan ng batang 5y/o sa 5k!

the runrio marshals were so supportive! yung isa nga may suot atang apat na supporter kasi nung hingal na hingal ako handa nya kong saluhin. siguro pag tumatakbo ako parang may spaghetti sa finish line na ayaw kong maubusan. yung isa naman pumapalakpak habang sinasabing "go mam!". yung iba, nagta trapik kasi may mga dumadaan na jeep sa path namin.

better pati ang run na ito kasi malamig yung mga power drinks. nung condura marathon para kang uminom ng matamis na sopas na pinainit ng araw e. wala din kaming nadaanang amoy basura. yun nga lang, usok ng mga sasakyan. twing ganon, ambilis ng inhale-exhale ko. mas malason yun kesa sa amoy ng utot ng kumain ng kumbinasyon ng itlog at kamote.

i finished after an hour and 4 minutes. pwede na! as usual, teary-eyed parin ako nung makita ko ang finish line.

sana marami pang marathon na sing organized nito. sana lagi kaming may funds and energy to participate in these once a month. sana marami pa kaming makilalang new friends.

sana magkasya na sakin ang singlet one day.

sana, sana, malaki ang difference ng time namin nung batang cute :)

Linggo, Pebrero 5, 2012

MANGOES!

i walked my first marathon yesterday woo hoo!


registry palang sa riovana, pinagpawisan nako. ganyan talaga ko pag excited. i also broke in sweats when i had my first date (hindi ako naka apply ng make up, promise), when i sang in public for the first time, and when i ate my first original choknut ice cream from Uva. when the Hub and i got our bibs, nagbabaha na sa riovana at kelangan nang isampay ang bimpo ko.

the Hub ran the 5k and 10k in the past, pero he was sweet enough to join me in my 3k. "mula satin hanggang sun valley lang yun hon" "hano??!!!" i remember making 3 stops from bicutan to our home during one episode of no-jeepneys - and i was much younger then. naging kaibigan ko nga yung takatak boy nung panahon na yun pano, kahit cha-cha sya nang cha-cha sa buong stretch ng service road, naaabutan nya ko na hihingal- hingal at inaangilan ang bawat lubak na maapakan. sa awa nya, binigyan ako ng libreng storck. nakita siguro nyang ni wala akong lakas na kumuha ng perang pambayad, or, akala siguro nya wala akong pamasahe. antagal ng mga jeep e, maghahapunan na. anak ng katakawan nanaman ang dahilan hahaha.

so off the Hub and i went on a beautiful sunday, all geared up and ... yes... sweating nanaman ako hehe. we arrived in time to see the 5k runners take off. pagtapos kong magpa-picture ke Hetty, i eagerly awaited our turn.

game, kami na! wave A kami so una kaming aarya. eto ang umpisa ng immersion ko sa signature Pinoy and Pinas:

Trapik
instead of the scheduled 730 start, we were advised that we will be sent off at 8am. after the group "ngyaooooooooo....", the host went on to say that this was because the skyway was still congested with the other runners. walangya sinara na skyway trapik parin? pero nga naman, kesa tumayo kami sa gitna ng marathon nang matagal, maghintay nalang sa starting area. buti kung me mag abot ng pagkain at bulaklak habang nakatayo kaming lahat sa kalye (uy another Pinas-ism - people power).

Basag-Tengang Kwentuhan
there were 4 women in their late 20s behind us during the wait. at baket ko alam kahit na nakakatulog na ko sa starting area? parang me kausap sila sa malabon nang hindi gamit ang cell phone pare. hindi ko malaman kung bakit kelangan nilang mag-usap na parang nagli-lead ng aerobics sa araneta sa gitna ng brownout. at ang mas matinding tanong ko.... bakit ang kakapal ng make-up nila gayong maglalabasan ang asido sa mga katawan namin sa gagawin namin nung umagang yon. but wait, there's more! ang pinakamatinding misteryo sakin e........ bakit may bitbit kayong eyeliner?!!!!! mamarkahan nyo ba ang bawat kilometrong malampasan nyo? lalagyan nyo ba ng smiley ang mga water station? o ire retouch nyo ba ang mga mata ng mga medic na nakababad sa araw habang binabantayan tayo?

pwede na sana at pampatanggal ng bugnot, pero puro make up ang topic nila sa buong paghihintay namin chong. at nung nagbibigay na ng last minute instructions yung host, ang iingay parin. di sila nakikinig. oh well, obvious na hindi sila nakinig sa kahit na anong marathon brief. magdala ba ng make up kit.

Naka-Paa
common sa atin ang mag-kamay habang kumakain, pero common din pala sa marathon ang naka paa lang. barefoot runners ang tawag sa kanila. nasa harapan ko ang isang runner na ito who i find out later is named Enrique. full outfit sya, pero yung tag na dapat nasa sapatos e nasa dulo ng leggings nya. long hair sya at balingkinitan. sabi ko, walang panama si barefoot contessa dito. ang inaapakan nun puro damuhan, etong nasa harap ko e hindi mahulaan kung ano pwede nyang maapakan. bakas sa mga paa niya ang estado ng kalinisan ng pilipinas.

tumakbo na pala sya ng 10k earlier. "so why are you running the 3k?" tanong sa kanya nung host. at ang sagot nyang with a twang e "10k was my main course, this is dessert". aba, ganun pala ang secret para pumayat. imbes na kumain ka ng pagkain, kumain ka ng takbo. lagi sigurong nahahabol ng Belgian Malinoise si Enrique nung lumalaki sya sa Forbes.

nakaka sampung minuto palang ako ng paglalakad nang biglang zzzzzshwoooom!!! si Enrique pabalik na! tanggalin ko kaya sapatos ko.....

Mosiko
on the left-turning-point after leaving the skyway, a marching band welcomed us. hindi nagma marcha at naka silong (ay ganon? makisama kayo hwoy! lol), pero they performed to their hearts delight with matching antics - yung pa itcha itcha ng drumsticks at pa kamut-kamot ng ulo without missing a beat. nakaka gana and energize actually :)

Supurta
etong laging pinapasalamat ni pacquiao sa mga Pinoy twing interview nya e napaka laganap nung marathon. as we passed a 50 meter incline, there were young men asking us "okay ka lang? okey lang ho kayo? kaya nyo yan!" to which gusto mo sanang sigawan ng "ulul! ikaw kaya lumakad papanhik nang ganito kataba!" pero.... i really felt their genuine concern kahit alam kong scripted and obliged sila. there was a water station at half-finish, and everyone there was smiling kahit hitchura ang paligid ng boracay na imbes na buhangin e alikabok. around 50 meters prior to the finish line, another set of young men looked us in the eye cheering us on with "konti nalang, kaya yan!"

MALAPIT NAKO SA FINISH LINE!

i decided to jog the last meters nung visible na ang finish line. kinilabutan ako chong! my first ever marathon, my first ever finish line :) okey na pacing ko kaso.... may tugtugan pare. at ang music - I Feel Good! - one of my all time favorites! ay dedma na sa pacing, nagsasasayaw ako papuntang finish line!! at hindi yung sayaw na pa-cute lang ha - yung sayaw na nababagay sa era nung kanta hahahaha nag swimming ako sa kalye pare! wala akong pake sa dami nang nakakakita. e i feel good e hahahaha.

all the way, napaka supportive ni Hub taking pictures, cheering me on, asking me if i was okay.... sabi ko "i'm okay hon, go run! i know you're bored :)" napilit ko ang sya nung 1 kilometer away na kami from the finish line. zzzooooom!!! ambilis ni Hub hahahaha tatlong segundo lang di ko na sya matanaw hahahahha

i finished walking the marathon at the official time na 40:11. "not bad! good job hon!" :) :) :) binigyan kami ng finishing medal and a banana :) lavet! kinain ko yung saging pabalik ng car and i wore my medal until we got home.

we parked a kilometer away from the festivities so para narin kaming nag 5k! we spent the rest of the day the way we do Sundays and oy, walang pagod a. pero eto na, habang sinusulat ko ang blog na to, sumagot na ang katawan ko ng "a ganon a..." lol. pero no regrets. itutuluy tuloy namin ito hanggat kaya ng bulsa hahaha

next for me to conquer, 5k. pray with me and cheer me on okay? :)

"mangoes" ang word du jour sa experience ko. before the gun was fired to set us off, we did a group cheer to the host's "We are running for the..." to which we would answer "mangroves!". may isang equally enthusiastic marathoner about two people to my left who answered the "Running for the?" with a resounding and repetitive "MANGOES!" lol o di ba, tumakbo para sa asim-tamis na buhay Pinoy! MABUHAY!