Linggo, Marso 25, 2012

Bawal Tumakbo

medyo tense ako sa marathon na ito, natapilok kasi ako weeks back and may konti pang pain sa left leg and foot. during my walks since then, medyo may kirot pa. hanggang byernes na marathon na kina-linggu-han, nagdadalawang isip parin ako at ang lalim ng aking tingala (weh). lumala kaya tong sprain ko? matapos ko kaya ang fun run? ulanin kaya kami? hala nade-depress nako.

gabi bago yung marathon shzwooom! handa kiti handa ng isusuot at dadalhin hahaha narurumu-rio locsin lang pala ko sa drama, wala palang makakapigil sa atat ko sa mga fun run na ito :)

i was following the tips i read online on running under the rain so i tried some of the Hub's soccer jerseys on. wag daw kasi magsuot ng cotton, dapat yung garment na nagre repel ng water. i was choosing from our caps kasi lagyan daw ng protection and head. nagpa-praktis na din ako maglakad imbes na tumakbo - pabalik balik ako kwarto-ref-kwarto-ref hwahwa.

awa ng Diyos hindi inulan ang marathon :) the organizers did not install a vidiwall na, siguro they did away with it for its protection in case it rains. napakaraming participants as expected at as usual, may mga karakter nanamang nagpa-yuko sakin sa hiya :)

si lola na mga 70plus, magma-marathon - sa 10k! aba'y hanggang tuhod na ang yuko ko. not only was she older by almost half, she was running a distance half farther than i will. when it was time for us 5k-ers to assemble, a familiar smell was in the air -- si lolo ginawang sunscreen ang tiger balm. eto mga mago-otsenta na ang edad. anuba itow! nung nakaraan nahiya ako sa mga kids, ngayon naman di ako pwedeng mag reklamo sa arthritis ko pano andaming rayuma sa paligid. pero teka, tabihan ko nga si lolo. andaming kumukuha ng litrato sa kanya e ngyahaha maging Da Who nga sa mga lalabas nyang litrato sa mga magasin.....

we were warming up to the lead of the instructors onstage when ...  imbes na feel na feel ko na yung a-wan, a-tu, a-tri... biglang a-ray! nasasagi ako ng mga nagsusumiksik papunta sa harapan pano late. gusto kong gawing excuse ang jumping jacks para batukan ang mga 'to. ano'ng rason nyo, trapik........ ng alas kwatro ng umaga? 'di kayo na-gising....... sa katotohanang may oras ang umpisa ng marathon? wehh

edi kami na ang tatakbo yehey! 4....3.....2......1......biglang may sumigaw na "happy new year!!" muntik na malaglag pustiso ni lolo sa hagalpak ng tawa hahahaha pero nag fade out ang tawa n'ya chong.... ambilis tumakbo ni lolo iniwan ako waaaaaaaa.....

natitiis ko ang sikip, ingay, at kodakan ng starting point crowd dahil sa susunod kong karanasan na common sa ganitong point ng mga marathon na sinasalihan ko..... katahimikan :) ..... katahimikan kasi..... iniwan na nila kong lahat waaaaaaaaaa uli hahahaha isang malaking owenongayun! ang nagpapalakas ng loob sa akin. to "here comes the sun" in my ipod, i briskly walk to a constant pace, smiling :)

we trekked the bonifacio global city grounds. wet ang aspalto kasi it rained all night. ayun, nagka rason ako para wag lagyan ng interim na takbo ang lakad ko ngyahahaha. bawal tumakbo! hahahaha

interesting to see the establishments sans the hustle and bustle. yung mga gwardya tulog pa (hwoy! gising!). yung mga nasa mercato, nagse set-up palang (bilisan nyo isang oras nalang gutom nakow!). yung mga barbekyu-han, naglalatag palang ng uling (hintayin nyo lang, pag naarawan ako may idadagdag ako jan). yung mga lasing nung sabado ng gabi jumi-jingle pa sa bakod (humarap ka, duwag!) eto siguro yung mga, sa sobrang hilo, pakiramdam nila dadating yung bahay sa kanila at di na nila kelangan puntahan. aba, yung isa talagang pinili pang jumingle sa pinaka-matatangkad na talahib. ang tapang! pag ikaw natulak jan aysos. ibang klaseng hapdi meyng.

as usual, andami paring sutil sa water stations at kung saan-saan tinatapon ang plastic cup. merong isa, "may i have a whole bottle please?" okey lang, pero isa't kalahating kilometro palang ang tinatakbo namin e. e isang buong boteng tubig pa hiningi. e anlalaki ng bote. ay bumagal takbo nya chong hahaha kitang-kita mong piiiiiilit nyang inuubos yung tubig para lang gumaan ang takbo nya hahahaha ayan kase. siba.

at syempre pa, hindi nawala ang mga kakaibang outfit. merong isa suot ang gear version ng sirena na half fish-half human - baching chut ang itaas tapos cycling shorts ang ilalim. takbo kiti takbo sya na feeling Hesus na tumatakbo sa tubig. buti nalang hindi ko sya tinanong at nagmukha akong shonga. fast suit pala ang tawag don sabi ni Irog. pang triathlon daw yun. o edi..... galing kang swimming teh? asan biskleta mo? hahaha ayaw patawarin palibhasa hindi ko carry magsuot ng ganon hahahaha.

meron naman isa.. ay.... siguradong first placer ito. naka leopard skin na leggings chong. antulin nito! pero dun ako nakakita ng leopard na kumekembot. nag fashion show ang lowka may pa wet lips-wet lips pa. ahhh.... medyo singkwenta anyos na pala. she wasn't going for the leopard look pala kundi arrrrrrr cougarrrrrrrrr :)

i finished four minutes later than my previous walk-run (basa nga kasi ang aspalto kakatakot tumakbo leave me alone lol). i waited only moments to see the Hub after his 10k. on the way back to the car, we saw the familiar pesteng-ahem hair.... si coach rio! ay syempre... feeling close at picture picture hehehe nakalimutan ko lang sabihin sa kanya na... rio! (feeling close nanaman) gawa naman kayo ng singlet na kasya samin!

pagdating sa parking lot aba, may isa pang rio! si San Rio hahaha naghuhumello kitty ang volks beetle na ito. ang cute actually! sana lang wag masiraan si kuya at biglang hiramin ang kotse ni ate. nakow bulag o manhid lang ang hindi mangingisi ahihihi



pag-uwi namin. ayun. umulan :) buti nalang bumagsak ang tubig ng langit nung magpapahinga na kami! iniangat ko ang nag-uumpisa nang sumakit na kaliwang paa ko na natapilok..........................................................

a-ray-ku-pow!!!! hanggang ngayon, iika-ika ako at bespren ko parin ang dolfenal.

next month uli! :) :)

Miyerkules, Marso 7, 2012

Pinoy-isms


just one week after our previous marathon, join kami sa Run United 1 sa MOA. takipsilim palang e nagbibihis na kami as usual, at bago mag bukang-liwayway e nasa parking lot na kami. stretch... stretch.... hikab.... stretch... we were up and ready. as usual uli, we parked nearly a kilometer away from the start and finish area, sort of a mini-training sakaling mag ambisyon kami ng farther marathon distances.

knee pads, check. water bottles, check. bananas, check. ulirat,.......ehem... ULIRAT,........ha? whoa? oh! gising! gising!, check :)

pinoy na pinoy ang buong experience. una, ke daming parking spaces e nag aagawan sa pinakamalapit sa exit. anuba maglalakad nga tayo ng kilu kilometro e natakot naman tayo maglakad ng ilang hakbang papunta sa kochi car pauwi. yung iba nga senyo kayang lakarin pauwi e hahaha.

pangalawa, likas sating mga pinoy ang hindi nakikinig o nagbabasa ng mga briefing.  hala ke lalaki ng lalagyan ng tubig! babagal takbo mo nyan meyng. sana nagkabit ka nalang ng limang galon sa trolley sabay mahabang straw. at least hinihila mo lang. tapos, pagdating mo sa bawat water station, mag taas-noo ka at isnabin mo sila "hah! mas marami akong tubig at MAS mainit ito! hah hah hah" sabay hingal.

pangatlo. pag naji jingle ang mga kalalakihang Pinoy, kelangan nilang jumingle - NOW NA. kaya yung mga nakita ko sa parking lot na nakadikit sa mga kotse nila sabay nakangiti, at hindi naman nagpapahangin dahil nakatago ang kili kile gawa ng mga kamay na nakababa, naka-imbento sila ng pinsan ng Portalet - ang Banyotan as in banyo kung san abutan.

pang-apat. kahit gano karami o kalaki ang mga trash can, kahit kinulayan pa ang mga ito ng bright pink at lagyan pa ng mga palamuti o kumikislap kislap na ilaw, iniisnab ng iba sa ating mga Pinoy ito na parang mga ex boypren. andaming kalat sa kalye na dulot ng fireworks display the night before. ayan tuloy. pati yung mga tagalinis, isnabero't isnabera nadin. hinihintay nalang siguro nilang hipan ang mga ito ng hangin papunta sa mga kabarkada ng mga basura na nakatira sa Bay.

panlima. marami sating mga pinoy e either hindi mahilig magtanong, o nagmamarunong pag natanungan. abay pakalat kalat at lilinga linga sa unang nakitang starting area kahit hindi kakulay ng bib nya yung mga naka assemble doon. at nung finally nagtanong ako (ay! nadulas, ako pala yung ayaw magtanong hahaha) sa babaeng pareho kong magfa 5k na papunta sa starting area "miss, san ang starting area ng 5k?" "dito din!" edi nakinig naman ako at tumambay sa starting area na una kong pinuntahan. maya maya, nag announce yung mama sa entablado na "5k-ers, if you can hear me, you're still lost".... antiPATIKO! sabay takbo pahanap ng tama kong starting area. anak nang di bale nakong shonga, mas dedli yung kombinasyon nung pinagtanungan ko- shonga con pa-kia (pa-know-it-all). anubanaman ang problema sa pagsabi ng "hindi ko alam e". takot talaga tayong mapagkamalang walang alam, pero anlakas ng loob nating ipahamak ang iba, kalowka hahaa.

pang-anim. nakakalungkot, pero may ilan sa ating mga Pinoy ang nababawasan ang galang sa Lupang Hinirang. nang tumugtog ang national anthem mangilan-ngilan lang samin ang naglagay ng kamay sa dibdib (sa sarili naming dibdib syempre) at sumabay sa kanta. hinahagod ng camera ang mga tao habang may visual ng watawat kaya ko nakita to. meron namang nakalagay ang kamay sa dibdib, pero nung makita ang sarili sa screen, biglang tinanggal ang kamay sa dibdib at kumaway sa camera. ang ganda. "sa dagat at bundok sa simoy at sa hello hello! mong bughaw...."  hmp!

pampito at me relasyon sa pang anim, mahilig talaga tayong mga Pinoy sa camera. at gunshot, andaming mga still and video cameras! takbo-ngiti, takbo pa-serious, takbo pa-cute, takbo pa-kaya-ko-to (ako yun) - pero wag ka paglampas sa mga camera, either takbo-simangot or lakad na ang nangyari hahahaha. may mga camera din sa iba't ibang portions ng run and, you guessed it, naglabasan nanaman ang mga takbo varieties na ito.

pang-walo na me relasyon sa pang-apat. may trash bins naman sa mga water station, kung baket nagkalat ang mga plastic cups sa kalye. ang lutong tuloy ng takbo mo after the stations. nadagdagan tuloy ang variety ng takbo na nabanggit sa pampito - takbo lagok-laglag.

pang-siyam. nakakalungkot uli, pero marami satin ang nakakalimot magpasalamat. porke nagbayad tayo sa marathon at ke-gaganda at ke-mamahal ng mga outfit at gear natin, at porke trabaho ng mga nagbibigay ng tubig at powerdrink ang ginagawa nila, wala akong napansin na nagpasalamat sa kanila after drinking. nagtaka tuloy yung ale nung nag thank you ako sa kanya pagtapos kong inumin ang talaga namang napaka refreshing na cold drink!

pang-sampu. sa bawat Pinoy gathering, hindi nawawala ang mga karakter. eto'ng mga naka enkwentro ko:

             si Busina
             may built-in na busina sa baga tong mamang ito, at bumubuga ng malalakas na HOO! HOO!
             twing lalampasan nya ang nasa harapan nya. e baka nga naman nagre release lang ng hingal. e chong
             nakaka sampung hakbang palang kami e...

             si Dedma
             walang pake ang ale na kumekembot kembot habang naglalakad sa gitna ng kalye. ang importante,
             hindi magusot ang buhok nya at hindi mapudpod ang neon green nyang walking shoes. miss, eh...
             hehe... TABI JAN! hahahah

             sina Luneta
             ay holding hands sila habang naglalakad. maya-maya, titigil para mag smack. minsan nagkukurutan.
             minsan nagbubulungan sabay hagikhik. minsan tatakbo paatras si lalake para makita ang tumatakbo
             nyang babae. kulang nalang mag cha cha ang dalawang ito. naghanap ako ng kamera chong..... i
             could have sworn may shooting ng videoke na nangyayare. ang kanta? hmmmm..... Bawal na Gamot.
             parang tumira ng adik ang dalawang ito. pinagkamalang lugar ng taswingan ang kalye.

             si Chicken
             hinde, hindi sya naduwag o nagtititilaok - nakabalot sya ng silver foil chong. parang tumatakas sya sa
             naghahabol na oven. naghanap ako ng tumatakbong sibuyas, bawang at patatas, wala naman.

panlabing isa at last but not the least - pag may libre, kahit mahaba ang pila, go tayong mga Pinoy! hahahaha medyo wa-is ako tho at napaso nako sa mga pila na matagal e yun pala lekat na leaflet lang ang ibibigay hehe. inispatan ko muna ang mga umpisa ng pila at inobserbahan ko kung ano ang nangyayari. pumila ako dun sa may libreng inumin o magasin, yung walang kelangang gawing nakakaloka. may isang booth dun na patatawirin ka sa manipis na mala lubid, at sa dulo e may magandang green tumbler. pero waaaaaa hindi naman ibibigay ang tumbler pag nakatawid ka. nyoko nga. dito nalang ako sa century tuna, me libreng biskwet :)

i finished 3 minutes earlier than my last finishing time yeheyy!! very festive ang okasyon! andaming booths, may mga nagde demo pa ng cheerdancing!

okey na okey na sana ang experience kaya lang natigil ang lahat nang....... may nag propose sa gitna ng entablado! AAAAAAAAAAAAANO BAAAAAAAA ipagkalandakan ba sa mga taong di mo kilala na nanlilimahid sa pawis at hingal ang pagyaya mong magpakasal?!!! di ka ba natakot na malaglag ang singsing habang tumatakbo? magyayakapan kayo e pareho kayong amoy araw?!! lahat ng buhok ko tumaas sa kilabot chong, ambilis ng lakad ko papunta sa kotse pauwi hahhaha

looking forward to the next! to the next marathon hindi spectacle of public marriage proposals ha!

proud to be Pinoy!